P A G P A P A U B A Y A
Ano nga ba ang pagpapaubaya? Naihahambing minsan sa pagbitiw
at sa pagsuko, pero magkaiba ang kahulugan. Ang pagpapaubaya naman kasi ay
hindi ibig sabihin na sumusuko ka o isinusuko mo na lahat, hindi rin naman ito
pagbitiw o binibitawan mo na ang taong mahal mo. Sabihin na natin ang pagpapaubaya
ay yung pinipili mo lang yung tama kasi yung ang nararapat mong gawin. Minsan
kailangan mong magtiis o ipagpauna ang kapakanan ng iba kaysa sa sariling
kapakanan. Sa madaling sabi, inuuna ang iba kesa sa sarili. Nakikita rito ang
iyong pagkamatulungin o pagiging mabuti sa iyong kapwa. Dahil alam naman natin
may kabutihan din itong kapalit sa hinaharap. Ang magandang karma (o magandang
buhay) ang magsusukli sa iyo sa hinaharap.
Ang pagpapaubaya ay hindi pagiging madamot. Bagkus
pagbibigay ito o pamamahagi ng saya sa ibang tao. Pagpapaubaya, isang paraan ng
pag sasakripisyo sa paraang kahit nasasaktan kana, ang mahalaga sayo ay ang
makita mong masaya ang taong mahal mo. Kung talagang mahal mo siya maging
masaya ka para sa kanya.
Ang pagpapaubaya ay isang magandang katangiang
kailangang-kailangan sa magulong mundong ito. Ngunit dapat nating matukoy ang
pagkakaiba ng pagpapaubaya at pangungunsinti. Ang magiliw na pagpapaubaya sa
isang tao ay hindi nagbibigay sa kanya ng karapatang gumawa ng mali, ni
nag-oobliga sa inyo na kunsintihin ang kanyang kamalian. Ang pagkakaibang iyan
ay mahalaga sa pag-unawa sa mahalagang katangiang ito.
Hindi masamang magpaubaya kung ang kahulugan nito’y
pagpapaubaya sa Diyos ng lahat.


Mga Komento
Mag-post ng isang Komento