HIWAGA NG TULAY (Maikling Kwento)
#TAGPUAN
Lugar: Sa
Ilalim ng Tulay
Panahon:
Tag-init
Oras: Dapi’t
Hapon
HIWAGA NG TULAY
Panahon ng tag-init sa Baryo Marurupok ay may isang lugar na binabaha
dahil sa dalawang malaking ilog na nagsasalubong ang tubig kapag malakas ang
ulan. Walang makatawid pag malaki na ang baha. Kaya’t nagpanukala ang gobyerno
na pagawan ito ng tulay.
Tuwang tuwa ang mga mamamayan ng Baryo Marurupok ng malaman nila ang
anunsyo ng gobyerno. Dahil malaking tulong sa magkalapit na baryo ang gagawing
tulay. At makakatawid na sila kahit malaki ang baha. Makalipas nga ang mga
buwan, araw ang mga truck ng simento, bakal at mga kagamitan na gagamitin sa
paggawa ay dumating na. Iumpisahan ng gawan ng tulay ang nasabing ilog, hanggang
sa ito ay matapos.
Isang dapi’t hapon nang papauwi na si Daniel kasama ang mga kaibigan galing
sa paaralan. Sila’y may nakasalubong na isang baliw. Siya ay imik ng imik na
walang kinakausap. Nang makita si Daniel lumapit sa kanya at sabay sabing
“Bilisan mo, umuwi na ikaw, wag
kang lilingon pag may tumawag sayo sa tulay kung ayaw mong mamatay”. Sabay tawa
ang baliw… “hahahahahahaha”.
Kaya’t nagmadali sa
pag-uwi ang magkakaibigan matapos sabihin ang mga kataga ng baliw. Lumipas ang
mga araw may isang batang babae na naglalakad malapit sa tulay, kapatid pala
siya ni Daniel.
Naglalakad siya ng
biglang may tumawag ng pangalan niya….
“Daisy!!!!! Daisy…”
“Sino un?”
“DAISY!!!”
“Sino ka ba? Bakit
mo ako tinatawag?”
Paulit ulit na tinawag ng isang tinig ang pangalan ni Daisy. Sumilip
siya sa ilalim ng tulay at nakita niya ang noo’y kamukha ng kanyang kapatid na
si Daniel. Tinatawag siya sa gitna ng ilog.
“Daisy halika!”
“halika”
Agad naman pumunta si Daisy sa kanyang kuya. Ng biglang may tinig na
malakas at nagsabing,
“Akin kana, kasama
na kita ngayon, HAHAHAHAHA”
At biglang lumubog sa tubig ang batang si Daisy. Kinabukasan ay
lumutang na ang katawan ni Daisy na wala ng buhay.
Tinawag ng mga taga baryo si Daniel at sinabing nakita na at nalunod
sa ilog ang kanyang kapatid. Dali-dali naman pumunta sa tulay si Daniel. At bumungad
ang bangkay ng kanyang kapatid. Doon niya naalala ang sinabi ng nakasalubong
nilang baliw noon.
Kaya’t pinuntahan at hinahanap ni Daniel ang baliw. At sa ilalim ng
tulay niya natagpuan. Kinausap at tinanong niya ang baliw. Agad naman itong
nagkwento.
“kaluluwa ng aking
anak iyon”
“Nalunod siya
habang ginagawa ang tulay na ito.”
“Walang nakapansin
sa kanyang pagsigaw at paghinge ng saklolo,
Dahil malakas ang
tunog ng mga makinang gamit nila”
“Hindi ko nailigtas
ang aking anak”.
Kaya’t ng marinig lahat ni Daniel ang mga sinabi ng baliw. Di na siya
nagdalawang isip. Pinabasbasan niya ang tulay at inalayan ng dasal ang anak ng
baliw.
At mula noon naging matahimik na ang Baryo Marurupok.

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento