M A G N I F I C O
“MAGNIFICO”
I. PANIMULA
Ang pelikulang Magnifico
ay tungkol sa buhay ng isang batang musmos na namulat sa isipan dahil sa
kahirapan. Inilarawan dito ang mga pagsisikap at tagumpay, kabutihang loob,
bawat pagmulat ng kanyang mata sa mga bawat bagong umagang darating sa kanya at
lalong-lalo na ang mga pagbabagong naganap noong kamatayan niya.
II. PAMAGAT
Ang pamagat nitong “Magnifico”
ay tumutugon sa pangunahing tauhan ng pelikula, isang batang musmos na namulat
ang kaisipan dahil sa kahirapan.
III. KARAKTERISASYON AT PAGGANAP
MGA PANGUNAHING
TAUHAN:
JIRO
MANO – Magnifico; Pikoy (ang batang musmos)
LORNA
TOLENTINO – Edna; Ina ni Pikoy
ALBERT
MARTINEZ –Geraldo; Ama ni Pikoy
GLORIA
ROMERO – Lola ni Magnifico
DANILO
BARRIOS – Miong; kuya ni Magnifico
CECILIA
RODRIGUEZ – Mrs. Doring
ISABEL
DE LEON – Helen; kapatid ni Magnifico
IBA PANG TAUHAN:
v ALLYSON
GONZALES – Makoy
v
SUSAN AFRICA -
Pracing
v
AMY AUSTRIA – Tessie
v
CHERRY PIE PICACHE – Cristy
v MARK
GIL – Domeng
IV. GENRE NG PELIKULA
Ang magnifico ay isang Drama-trahedya na pelikula na gawang pinoy.
V. TEMA
Ang payak na pamumuhay, mga pasanin at mga dagok sa
buhay ng karaniwang kinahaharap ng bawat Pamilyang Pilipino. Umiikot ang
istorya sa kamunduhan ng kahirapang nararanasan ng isang ordinaryong tao, ang
mga pagsisikap, tagumpay at kabutihang loob.
VI. SINEMATOGRAPIYA
Ito ay isang pelikulang sumasalamin ng pag-asa. Na sa
gitna ng patong patong na problema ay magagawa pa rin itong solusyunan sa
simpleng paraan at sa abot ng makakaya.
Ang
anggulo nito ay nasa ayos at maganda ang mga kuha upang maging makatotohanan.
Ang kalinawan nito sa bawat senaryo ay napakasimple at napakadramatic. Kitang
kita ang lahat ng pagkilos at mga bagay na maaring magpagalaw ng pelikula sa
paraang makatotohanan at may sistema.
VII. PAGLALAPAT NG MUSIKA AT TUNOG
Maganda ang nilapat na tunog kapag ang bida ay umiiyak naging angkop ang
tunog nito at naging nakakaiyak.
Maganda at mahusay ang musika nito. Bumagay ito sa genre ng pelikula. Si
Lutgardo Labad ang naglapat ng mga sound effect napakasimple at dramatic ang
mga nilagay na tunog.
VIII. PRODUCTION DESIGN
Simple at angkop na angkop sa pelikula na siyang
nagpaganda ng kinalabasan ng dramang ito dahil halos lahat ay bumagay sa tema.
Napag ukulan din ito ng pansin kaya gumanda ang pelikula ito dahil sa set o sa
lugar na ginawa ang pelikula.
IX. DIREKSYON
Sa direksyon ni Maryo
J. delos Reyes isang batikang director at isa rin sa award winning at
nominado sa ibat ibang parangal. Maayos at maganda ang pagkadirek,
napakaepektib ng ginawa niya at naging makatotohanan at sobrang nakakaiyak ang
istoryang ito.
X. BUOD
Si Magnifico ay lumaki sa mahirap na pamilya. Kahit bata pa lang siya ay
tinutulungan niya ang mga may nangangailangan. Tumutulong siya sa kanyang
pamilya tulad ng pag-aalaga sa kanyang lola at kapatid na may sakit. Dahil sa
kahirapan ang kanyang pamilya, naging malaking problema sa kanila ang
pagkakaroon ng sakit ng kanyang lola. May taning na rin ang buhay ng kanyang
lola, kaya sa pagnanais niyang makatulong sa kanyang pamilya gumawa siya ng
paraan upang paghandaan ang burol ng kanyang lola. Siya ay gumawa ng kabaong at
siya ang naghanda ng kasuotan kapag namatay na ang kanyang lola na may taning
na ang buhay. Sinikap niyang tugunan ang pangangailangan ng kanyang pamilya
tulad ng anyang kapatid na babae na pinapasan niya sa likod at ang
nakatatandang kapatid na natanggalan ng iskolarship. Marami ang natulungan ni
Magnifico tulad nila Ka Doring na galit na galit sa mundo at sina Cristy at
Fracing na may tampuhan ngunit sa huli ay nagbati rin. Punumpuno ng kabutihan
si Magnifico. Ngunit sa kasawiang-palad ay nahagip siya ng isang sasakyandahil
sa pagliligtas niya kay Domeng. Ito ay naging dahilan ng kanyang maagang
kamatayan. Maraming tao ang nakiramay sa pagkamatay ni Magnifico. Ang
paghahandang burol para sa kanyang lola ay ginamit para sa kanyang pagpanaw.
Ang kabutihan ni Magnifico ay mananatili sa puso at isip ng mga taong kanyang
natulungan at nakasama.
XI. KWENTO
Sa pag-andar ng kwento ipinakikilala ang bawat tauhan
ayon sa mga sitwasyong nagaganap. Ang paglalahad ng kwento ay makikita sa
pamamaraan ng pagsasalita ng bawat taong nariyon sa isang eksena.
XII. ARAL NG PELIKULA
Hayag na ipinakita sa kwento na ang pagtulong sa kapwa
ay hindi nasusukat sa gulang o katayuan sa buhay dapat ito ay bukal sa puso na
walang hinihintay na kapalit. Alalahaning ang kabutihang itinanim ay kabutihan
rin ang siyang aanihin. Masasabing si Magnifico ay isang payak na halimbawa ng
tunay at wagas na kabutihan.
XII. KONKLUSYON
Isa ito sa mga pelikulang di makakalimutan ng sino
man, kahit paulit ulit mo man itong panuorin pilit at pilit paring pupukaw sa
damdamin ng manonood. Naipapakita dito ang pagmamahal sa kanyang pamilya na
kalian man ay hindi masusuklian ng anu mang bagay dito sa mundong ibabaw. Ang
sakripisyo at pagmamahalan ng kanyang pamilya ay nagsisilbing inspirasyon para
malampasan ang bawat pagsubok sa buhay na hindi ka susuko at gagawa ka ng
paraan para lang sa ikabubuti ng iyong pamilya. At bilang isang bata hindi biro
ang mga sakripisyo niya para lang kanyang sariling kaligayahan at interes pilit
paring niyang iniisip ang kapakanan ng bawat isa. Hindi maiiwasan na kung
minsan ay nasusubok ang tatag at pananalig ng bawat isa gayumpaman sa kahit na
anong pagsubok napakahalaga ng suportang nakukuha ng bawat isa sa kanyang
pamilya upang magawa malampasan ang kahit anong pasanin sa buhay. Lagi ring
alalahanin na ang kabutihan at kababaang loob kailanman ay hindi mapapalitan ng
kahit anong bagay.

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento