KWENTONG KABABALAGHAN
“KWENTONG KABABALAGHAN”
ANG BABAE
SA RETREAT HOUSE
Si Kaitlyn ay isang fourth year
college sa isang matandang unibersidad sa Maynila. Siya ay isa sa member ng
dance troupe sa kanilang paaralan. Kasama niya dito ang kanyang mga kaibigan na
sina Xhumii, Acel at best friend niyang si Mikay.
Isang araw nag announce ang kanilang
pangulo sa dance troupe na magkakaroon sila ng isang “retreat” para mas
makilala nila ang isa’t isa at i-welcome ang bagong member ng dance troupe.
Dalawang araw ang itatagal nito at gaganapin ito sa Retreat House sa Lipa,
Batangas.
Dumating na ang takdang araw ng
retreat. Excited ang mag-kakaibigan. Kaya maagap silang napunta sa kanilang
tagpuan at intayan. Pero si Kaitlyn ay may naramdamang kakaiba habang
naggagayak ng kaniyang mga dadalhin.
Hindi niya maunawaan kung bakit?
Yung parang may pumipigil sa kanya
na wag na lang siya sumama at wag ng pumunta.
Tumunog ang kanyang cellphone.
Nagulat siya at bumalik sa kanyang wisyo, nalimutan ang kanyang naramdaman na
kakaiba. Kinuha niya ang kanyang cellphone, at nakita niya kanina pa pala siya
hinihintay ng kanyang mga kasama. May tawag, text at chat na pala siya mula sa
kanyang mga kaibigan.
“bez, nasan ka na?”
“bhie, wer ka na? ikaw na lang
hihintay naming.”
“bestie, tara na!”
Kaya dali-dali siyang umalis bitbit
ang kanyang mga dala. Nang makarating nila ang Retreat House, laking gulat
nila. Ito pala ay lumang bahay sa Batangas. Ang mga kagamitan, pinto, bintana,
higaan at kung anu-ano pa ay mga luma na talaga at mga sinauna pa.
Magkakasama na isang kwarto ang
magkakaibigang Kaitlyn, Acel, Mikay at Xhumii.
Ang silid nila ay sa kaduluhan ng
dormetoryo at malapit sa cr.
Unang araw ay puno ng kulitan at
asaran. Sa madaling salita normal ang naging pangyayari sa unang araw at unang
gabi nila sa dormetoryo. Lahat at masaya at nakapag participate ang bawat isa
sa mga activity na pinagagawa sa kanila ng mga punong abala sa retreat.
“sino ka?”
“tulong, tulong”
“TULONG”
Sigaw ng babaeng takbong takbo palabas
ng dormetoryo.
Nagkaroon ng kaunting pagpapanic ang
lahat. Ngunit makalipas ang ilang minuto ay napakalma din naman pati ang
nagtatakbong babae galing sa kanilang kwarto.
Si Kaitlyn pala ito. Nang siya
kalmado na, saka siya tinanong ng kung anu ang nangyari sa kanya. Agad naman
itong nikwento na may halong takot at kaba sa kanyang dibdib.
“Bumalik kami sa kwarto para kunin
ang mga gamit na gagamitin natin para sa susunod ng activity. Kasama ko yung
dalawa ni Mikay at ni Xhumii.
Si Xhumii ay dumiretso sa Cr dahil
sumakit ang tiyan niya. Naiwan kami dalawa ni Mikay sa kwarto. Nagkwentuhan kami
hanggang sa napahiga ako sa kama at tagal ni Xhumii sa Cr.
Kinakausap ko si Mikay pero hindi
siya nasagot sa akin. Sa dami ko nang sinabi wala man lang siya response. Kaya nagtaka
ako! Dahil hindi naman ganun ang best friend ko.
Kaya bumangon ako, at laking
hilakbot ang nadama pagtingin ko sa kabilang higaan hindi na pala si Mikay ang kasama
ko. Kundi isang babaeng nakaitim na damit, at nanlilisik ang mga mata na para
mong galit na galit sa akin.
Hindi ko alam kung anu gagawin ko,
kaya sumigaw nalang ako.”
Hanggang dumating at pumasok yung
dalawa ni Mikay at Xhumii galing daw sila sa cr.
Kaya’t nagtaka at nakatitigan kami,
hanggang sa tatakbo na kaming tatlo palabas ng dormetoryo.
“hindi ko talaga manalayan na hindi na
pala yung best friend ko ang kasama ko sa kwarto. Hindi ko namalayan na sumunod
siya kay Xhumii sa Cr. Kasama ko na pala ay yung matandang babae na nakaitim.
Kaya’t napunta sila sa caretaker ng
retreat house at sinabi sa kanila na,
“Ang kaluluwang gumagala dun ay ang
dating may ari ng bahay na ito, siya ay pinatay sa kwarto niya. Walang nakaalam
ng kanyang pagkamatay, nakita nalang siyang walang buhay. At hanggang ngayon ay
hindi mabigyan ng hustisya. Alam namin na may gusto siyang sabihin kaya lang
hindi namin alam kung paano, sa mga babae lang talaga siya nagpapakita.”
Hanggang umuwi na lang mga nagretreat
sa kani-kanilang bahay. Si Kaitlyn ay inihatid ng kanyang mga kaibigan. Lumipas
ng mga gabi hindi parin mawala sa isip ni Kaitlyn ang kanyang nakita. Hanggang
sa isang gabi na hindi niya namalayan ng nakatulog na pala siya at nakatulugan
ang kanyang ginagawa.
Napanaginipan niya ang babaeng
nakaitim. At tinatawag ang kanyang pangalan,
“Kaitlyn”
“Kaitlyn, tulungan mo ako! Tulungan mo
ako”
Nag usap ang dalawang kaluluwa. Sinabi
ng babae kay Kaitlyn kung paano siya pinatay. Gusto na niyang matahimik ang
kanyang kaluluwa at umakyat sa langit. Sinabi ng babae na
“Ang caretaker ang pumatay sa'ken, para makuha ang kanyang mga kayaman at mapasa kanya ang bahay na yon”.
Tinuro kay Kaitlyn ang pinaglalagyan
ng mga ebedinsya para mahuli ang pumatay sa kanya.
Hanggang sa magising at
maalimpungatan si Kaitlyn. At paggising niya may kilabot at takot siyang
naramdam. Kaya kinabukas sinabi niya ito sa kanyang mga magulang at mga
kaibigan at agad naman silang gumawa ng paraan para makuha ang sinabing
ebidensya ng babaeng nakaitim.
Agad din namang mahuli ang caretaker at nakulong. At pinabasbasan nila
ang buong retreat house.
Mula noon naging matahimik na ang
retreat house.



Mga Komento
Mag-post ng isang Komento