K A P A L I G I R A N

 




"GANTI NG KALIKASAN" 

Sa isang malayong kalunsuran. May isang mag-anak na naninirahan sa malaking bahay, malapit sa napakagandang ilog. Si Don Paeng ay isang CEO sa kanilang kumpanya. Ang asawa niyang si Donya Conching ay isa ring businesswomen. Kaya’t hindi nila masyadong nagagabayan ang kanilang mga anak. Lalo na ang kanilang bunsong anak na si Yapu.

Si Yapu ay lumaki sa kanyang yaya Merna. Madalas nitong awayin ang kanyang yaya. At walang ginagawa kundi ang magtapon ng basura kung saan-saan. Tapon dito, tapon doon ang gawa. Wala namang magawa ang kanyang yaya kundin pulutin ang mga ito at ilagay sa tamang lagayan. Kahit pagsabihan niya ito ay balewala lang kay Yapu. Hindi rin ito nakikinig sa kanyang ina.

Isang araw kailangan umuwi ni Aling Merna sa probensiya dahil ang kanyang anak ay nasa ospital. Nagpaalam siya kay Yapu at nagbilin na “ang iyong mga basura ay ilagay mo sa tamang lagayan at walang magliligpit ng iyong kalat”.

Araw ng Lunes, ito ang araw ng pangungulekta ng basura. Subalit hindi ito nailabas ng kanyang ina dahil mahuhuli na siya sa kanyang trabaho. Kaya’t bago siya umalis ibinilin niya ito kay Yapu. “na dalahin ang mga basura sa pick-up point para maubos at maitapon ito”.  Sumagot lang siya ng “uho”.

Hanggang sa malimutan itong dalhin ni Yapu sa pick-up point. Hapon na ng maalala niya ang bilin ng kanyang ina. Kaya’t bago pa man dumating ang kanyang ina ay sa likod bahay na lang ni Yapu tinapon ang mga basura.

Isang Gabi, Humihihip ang malakas na hangin, kasabay ng pagbuhos ng ulan. Akala ng kanyang ama, ang bagyong iyon ay tulad ng nakaraan. Karaniwan lamang, at sanay na sila sa taun-taong pag-ulan, pagbagyo at pagbaha. Ngunit sa pagkakataong ito'y hindi.

Ang mga bahay sa kalunsuran ay naglubugan. Ang ilang oras na pagbaha ay tila pinagsamang anim na buwan ng pag-ulan. Lumubog sa tubig ang kanilang mga bahay. Hindi lamang hanggang tuhod, kundi abot hanggang unang palapag ng kanilang bahay.

Habang mahimbing na natutulog si Yapu, naalimpungatan ito at magising sa boses ng kanyang ina. Pumasok na sa loob nang kanilang bahay ang tubig at iba’t-ibang klase nang mga basura. Nagulantang ang ina ni Yapu sa nangyari siya ay nalito kung bakit may mga basurang nagkalat sa loob nang kanilang bahay kung ipinatapon niya ito. Kaya pinuntahan niya ang kaniyang anak at tinanong kung saan nito itinapon ang sako-sakong basura.

 Sinabi ni Yapu ang katotohanan na sa ilog niya itinapon ang mga basura. Kaya nagalit ang kaniyang ina at sinabihan itong linisin ang basura mag isa. Napag tanto ni Yapu na mali ang kaniyang ginawa kaya sinabi niya sa sarili na hinding-hindi na niya iyon gagawin at magiging responsable na siya.

Mga Komento

Kilalang Mga Post