Ito ang Kwento Ko (pagbabago)

 




Dear Tio Yrot,


 Lahat tayo may kani-kaniyang kwento ng sarili nating buhay.

May nakakaranas ng kabiguan, kaligayahan, pighati, at tagumpay. Iba’t-ibang man ang  ating  mga  nararanasan sa tinamong buhay. Wag tayo mawalan ng pag-asa at tiwala sa ating sarili.

Nais kong ibahagi ang kwento ng aking buhay sa inyo upang mas lalo ninyo akong makilala.

 

Ako ang panganay na anak nina Mang Marit ang haligi ng tahanan na isang tricycle driver. Siya ang nagsusumikap para itaguyod ang pamilya. Si Aling Beth ang ilaw ng tahanan at isang labandera, nag-aalaga sa aming magkapatid. Dalawa lang kaming magkapatid at lalaki ang bunso. Anim na taon ang agwat sa sakin ng aking kapatid. Ang pamilya naming ay masaya at puno ng pagmamahalan. Sinisikap nila kaming itaguyod para maibigay nila ang aming pangangailangan. Kahit mahirap ang buhay  ay hindi sa amin pinaramdam ng aming magulang. Ngunit ang saya ay may kapalit lagi na kalungkutan.

 

Nang makatapos ako ng high school alam kong gusto ako pag-aralin at maging isang guro ng tatay ko, ngunit sa salat lang kami at hindi kakayanin ng aking magulang ang pantustos sa pag-aaral. Napilitan akong magtrabaho sa malayong lugar. Kahit alam kung labag sa kalooban ng tatay ko ay pinayagan na din niya ako.

 

Napadpad ako sa San Pablo, nag service crew sa isang canteen, pumasok din ako bilang isang kasambahay. Tapos naisipan kong lumipat ng Manila pumasok sa factory sa garments naman ng Moose Gear. Ok naman ang mga naging resulta at makakabigay ako sa pamilya ko nakatulong ako para pag aralin ang kapatid ko ng college. Ng matapos ang kontrata ko lumipat ako ng Batangas at Laguna pumasok ako sa company bilang production operator. At bawat may mahahalagang araw nauwi ako sa amin para bisitahin ang aking pamilya.

 

Ilang taon din ang lumipas masaya kami kahit bihira lang kami nagkakasama. Buwan ng Marso nagpadala pa ako nun pang birthday ng tatay ko, sabi ko pa sa nanay nun “nay, labas kayo ng tatay kain kayo, enjoy ninyo ang buong araw birthday naman ng tatay ei”. Masaya naman sila kahit wala kaming magkapatid at parehas na kaming may trabaho. Ngunit ang sayang un ay napalitan. Dumating ang isang araw na bigla nalang tumunog ang cellphone ko na ng sabi “sinugod sa ospital ang tatay ko”. Yung araw na un gusto kung umuwi na, ngunit hindi ko nagawa dahil yung araw na yaon ay iskedyul ng presentation ko sa company na kailangan ko munang harapin. At pinigilan na din muna ako ng nanay na umuwi at ok naman daw ang tatay kahit hindi na siya namulat at nakakapagsalita. Nung time na magleave na kaming magkapatid sa trabaho at uuwi na kami. May isang tawag na nagpabago ng buhay namin.

 

Namatay ang tatay ko na di ko nakita sa huling pagkakataon, di naalagaan,  di ko na nayapos at nasabi sa kanya na mahal na mahal ko siya. Dahil umuwi ako sa amin wala na tatay ko nakasilid na siya sa kabaong.  Sinisi ko pa sarili ko sana umuwi na lang ako nung una pa lang at di pinili ung trabaho ko. Mas pinili ko sana ung tatay ko. Daig ko pa pinagsakluban ng langit at lupa. Ilang araw din akong tulala sa tabi ng kabaong ng tatay ko. Kahit naihatid na naming siya sa kanyang hantungan hindi ko pa rin maalis sa isip ko na sana umuwi na lang ako nakita at nakasama ko pa sana tatay ko kahit sa huling hininga niya.

 

Nang mawala ang ama halos nagbago ang buhay ko. Yung hinahanap hanap ko ung mga ngiti at biro niya pag tumatawag ako. Bago ako pumasok sa trabaho may amang nagpapaalala. Wala na akong kakwentuhan pag nauwi ako at nasasbihan ko ng mga nangyari sa buhay ko.

 

Sa lahat ng sakit ng yun buti ay isang taong handang damayan ako at hindi ako iniwan. Ang aking long time boyfriend na siyang nakasama ng nanay at nakita ang paghihirap ng tatay sa ospital. Hindi niya ako sinukuan at iniwan, hanggang sa magpasya kaming magpakasal. Kapatid ko pa tumayong tatay ko nun at naghatid sakin sa altar. At biniyayaan kami ng isang makulit na anak.

 

Hanggang sa dumating ang isang oportunidad na makapag-aral ako kahit may asawa at anak na ako. Di na nag dalawang isip pa. At alam ko rin na ikakasaya ito ng aking ama. Kaya pumasok ako at kinuha ko ang kursong nais ng tatay ko. Ang maging isang guro sa hinaharap.

Alam kung hindi madali ang pagdadaan at pagsabayin ang pagiging isang ina, may bahay at isang estudyante.  Pero kinakaya at kakayanin ko di lang para sa akin pati narin sa pamilya ko at matupad ko ang pinapangarap ng tatay ko sa akin.

 

Sa ngayon ay unti-unti ko ng maaabot ito. Isang taon na lang kung papalarin akong maka graduate.

Sa huli, madami mang pagsubok ang dumaan sa ating buhay ay huwag tayong mawalan ng pag-asa hangga’t may isang naniniwala sayo wag kang susuko. Lumaban sa anu mang hamon ng buhay. Di ka pababayaan at lagi kang gagabayan ng Diyos. At alam ko din na magiging masaya ang tatay ko kung magtatagumpay ako sa buhay at matupad ang aking mga pangarap.

 

Hangggang dito na lang po ang aking sulat. Sanay nasiyahan at napaiyak ko din kayo. At ako ay talagang natulo ang luha habang sinusulat ang aking kwento.

 

 

                                                                                                                   Nagmamahal,

                                                                                                                                  Aizel 



Mga Komento

Kilalang Mga Post