U L A N a t K A - I B I G A N

 



#SONETO

 

ULAN AT ANG KA-IBIGAN

 

Ang ulap sa langit tila naghahabulan

Senyales na papatak na ang ulan,

Parang pag-ibig na hindi mapigilan

Tumampisaw ka kahit ika’y masaktan.

Hawak ang payong naghintay ng sasakyan

Ika’y lumapit sabi’y “pasukob naman”,

Nagulat ako at medyo naiilang

Don nagsimula ating pagkakaibigan.

Maulan o maaraw payong aking kailangan

Parang kaibigan kasama ka saan man,

Nandiyan pag ako’y may kailangan

Parang ikaw na matawag kong kaibigan.

Sa pagdaan ng mga araw, buwan, taon

Samahan nati’y pinagtibay ng panahon.


Mga Komento

Kilalang Mga Post