PINAGPALA





“PINAGPALA”

 

 Isang biyaya mula sa ating Panginoong Diyos. Mula ng nilikha niya ang tao, isa na itong pagpapala. Mula sa kanyang kapangyarihan na mabuhay tayo dito sa mundong ibabaw. Umagang kay ganda, bigay sa atin ng Diyos Ama. Panatilihing masaya ang aura, nang sa gayo'y hindi mawala ang sigla.

Pinagpala nga ba ako?

 Ako ay sadyang tunay na pinagpala. Mga magulang ko’y mahal  kung talaga. Sila ang aking pinakadakila dahil wala silang palya para ako ay alagaan. Alam kung sila’y aking masasandalan sa anumang oras sila laging nandiyan. Kaya abot langit ang aking kaligayahan, mga magulang ko ang aking kayaman.

 Pinagpala, kahit mahirap ang pamumuhay, kapag may asawa kang responsable, masipag at mapagmahal ikaw ay pinagpala. At bigyan ng isang magandang anak na makakasama naming mag-asawa ay talagang biyaya ng Diyos Ama. At masasabi kong pinagpala ako, dahil may nga bagay man di ko hinihiling ay kusang binibigay. Hindi madali, hindi biro ang pagsabayin ang pagiging asawa, ina at isang estudyante. Pero kinakaya ko, di lang para sa aking sarili pati narin sa pamilya ko.

 Pinagpala dahil may sariling tahanan. Kasama ang aking asawa at isang anak. Na kung saan ang Diyos ang lagi naming kasama sa bawat biyaya aming natatanggap araw-araw.

 Pinagpala ako dahil nabigyan ako ng pagkakataon upang makapag-aral muli sa tulong ng Unifast at matupad ang matagal ng pangarap ng tatay ko na maging isang guro ako, kahit na hindi na niya ito makikita pero alam kung andiyan lang siya nakagabay sa akin para matupad ang mga pangarap ko. At mga kaibigang di ka susukuan.

 At ang sabi nga ni Lil’ Kim, “Pinagpala akong magkaroon ng napakaraming magandang bagay sa aking buhay – pamilya, mga kaibigan at ang Diyos. Lahat sila ay nasa isip ko araw-araw.”

 Pasasalamat sa Dios Ama'y ugaliin, sapagkat binibigay niya ating mga hiling. Huwag lamang abusuhin, kabaitang bigay niya sa atin. Ang buhay hiram lamang. Kaya dapat na pakaingatan. Huwag hayaan na sa madilim na landas dumaan, sapagkat paghihirap iyong kahahantungan. Sa paggising sa umaga, Ika'y isang malaking pinagpapala, Sapagkat ika'y minamahal niya. Kaya hiram na buhay sa kanya'y naririyan pa.


Mga Komento

Kilalang Mga Post