O D A ---

 

" M A G U L A N G "


Sa isang mag-anak ay meron pa kaya

Na sa ama't ina'y higit pang dakila,

Na kahit sa angkang mahirap nagmula

Ang para sa anak lahat ay ginawa.


Sa paaralan ay di man nakatungtong

Mataas na aral di man nagkaroon,

Binigyan ng anak ng pagkakataon

Na sa kahirapan ay makaahon.


Di man nakatira sa bahay na bato

Di man nakaipon ng malaking yaman,

Sa anak naroon ang yaman nila

Wala sa salapi kundi sa edukasyon.


Hinubog sa tamang ugali

Marunong magtiis kahit kinakapos

Mga pinalaki na mayroong takot

Sa batas ng Diyos at batas ng tao.


Nagsasakripisyo at nagtatrabaho araw-araw

Para maibigay ang iyong pangangailangan

Tinuturing kang isang dugong bughaw

Dahil ayaw ka nila makitang nahihirapan.


Importanteng tao na kailanman hindi ka iiwanan

Sa kahit anong oras handa kang damayan,

Handang makinig sa iyong mga kadramahan

At hindi aalis hanggang sa kahuli-hulihan.


Walang hanggang pasasalamat aking inaalay

Sa mga magulang kong sa akin ay gumabay,

Sa lahat ng oras ay nagiging karamay

Aking mga magulang na mamahalin ko habang buhay.



PS. wala na kasi kaming family picture kinain ng anay 🥹😭😭😭 at di na rin mabubuo dahil wala na ang tatay 😭

Kaya hanggat anjan at kumpleto ang pamilya wag nio silang balewalain. Kasi di natin alam kung hanggang kelan natin sila makakasama. 


Mga Komento

Kilalang Mga Post