Ako Bilang Anak
ANAK AKO!!!!!!
Magulang ko’y pinagpala
Buhay ko sa’yo nagmula,
mundong puno ng problema
Hindi hinayaan mag-isa,
Laging kasama tuwina.
Laking may takot sa diyos,
Sa aking pag-unlad,
Baon ang inyong aral
Laking pasasalamat
Na kayo ama’t ina ko.
Ngunit ng ika’y lumisan
Mundo ko’y biglang naglaho,
Ako’y di mapakali
Gusto ikaw masilayan
Ngunit sa aking pagdating
Ako’y biglang naglumo.
Aking ama umalis
Kalungkutan ang dulot
Mga iyak na pumapatak
Hagulgol ng bawat luha
Dahil sa kirot na dulot.
Ako’y nagpapasalamat
Dahil kayo’y ipinagkaloob,
Ama’t Ina aking mahal
Dahil kayo magulang ko,
Dahil sainyo ay meron ako.



Mga Komento
Mag-post ng isang Komento