Ako at Aking Awit
Ang musika ang tinaguriang “Lenguwahe
ng Kaluluwa”. Sa pamamagitan ng awit ay maipahihiwatig mo ang iyong damdamin at
kalooban. Ang mga Pilipino ay kilala bilang isa sa mga pinakamahusay na mang aawit
at manunugtog sa buong mundo. Ito ay dahilan sa kanilang dedikasyon at labis na
pagmamahal sa musika.
Ang awit ng
aking buhay!!!
Sa
dinamirami ng pagsubok sa buhay ko, lahat ng yan ay kinaya ko. Mga problema na
hindi maiiwasan at mga pagkabigong aking naranasan. Kailangan mag patuloy ang
buhay kahit naransan ko ang lahat ng yan. At dahil sa mga pagsubok na ito mas
naging malakas ako at matatag.
Parang yung
kanta na “Pasubali” ng Spongecola, na nagsasabing wag tayong
sumuko,kayanin natin ang mga pagsubok at sa huli tayo’y magtatagumpay sa kung
ano man ang nais natin. Parang ako ngayon, sa estado ng buhay ko na patuloy pa
rin na nagsusumikap mag-aral upang maka-angat sa buhay. “Never say never sa
kung ano man ang nais mong makamit, kahit may mga pagsubok na dumating, wag
kang susuko at kayanin mo ito tiyak magatatagumpay ka.
SONG LYRICS
"Pasubali"
At wag mo ring ituring na biro
Marahil ito'y di mo inaasahan
Pero sana'y wag ipinid ang pinto
Itikom ang bibig
Mata'y ibaling sakin
Pakinggan mo ang sasabihin ko...
Kailan mo ba matututunan
Kailan mo ba pagsisigawan
Na di mo na pagkakailang tayo
Kayrami nang pinagdaanan
Ano pa ba ang iyong kailangan
Nagsusumamo na sabihin mo....
Ang diwa ko'y tigib sa kaiisip
Sa sarili laging may kinikimkim
Patuloy lamang bang mananaginip
At mananatili lang na nakapikit
Ako'y mayrong batid
Ito'y iyong pag amin
Hindi na natin maiiwasan to...
Kailan mo ba matututunan
Kailan mo ba pagsisigawan
Di mo na pagkakailang tayo
Kayrami nang pinagdaanan
Ano paba ang iyong kailangan
Nagsusumamo na sabihin mo...
Itikom ang bibig
Mata'y ibaling sakin
Pakinggan mo ang sasabihin ko...
Kailan mo ba matututunan
Kailan mo ba pagsisigawan
Na di mo na pagkakailang tayo
Kayrami nang pinagdaanan
Ano paba ang iyong kailangan
Nagsusumamo na sabihin mo...
Nagsusumamo na sabihin mo...
Mensahe nito ay tungkol sa kung paano natin tingnan ang buhay. Sa kabila ng maraming pagsubok at paghihirap na nararanasan, Kaylan man ay dapat hindi tayo mawalan ng pag-asa. Ang buhay ay napakamisteryoso. Walang sinuman ang nakakaalam ng kinabukasan o kahahantungan ng tao kundi ang Panginoon lamang.


Mga Komento
Mag-post ng isang Komento