SIMPLENG BUHAY




 “Simpleng Buhay” 


Lahat ng pangarap ko sa buhay ay unti-unti na rin sigurong matutupad sa loob ng sampung taon. Ngunit alam kong hindi din madali ang mga pagdadaanan ko. Para sa pagbabago sa aking buhay kasama ang pamilya ko at mahal ko sa buhay. Maaring may mawala, maaaring may mga bagong dumating, may mga panahong kailangang masaktan pero may mga kapalit naman lahat ng mga paghihirap. 

Ang buhay para sa akin ay isang palaisipan kung hindi ko hahanapin ang daan palabas hindi ko rin mababago ang buhay na ito. Kung hindi ko susubukang harapin ang mga pagsubok upang makaahon sa buhay ay hindi ko rin mababago ang aking kapalaran. 

Sampung taon mula ngayon, isa na akong ganap na matagumpay na tao sa kursong aking tinapos. Yung pangarap ko lang dati na silid aralan at makapagturo ng kaalaman sa mga mag-aaral ay nagagawa ko na ng mahusay ang aking magandang trabaho. May simpleng buhay kasama ang aking pamilya, may negosyong makakatuwang naming mag-asawa sa pang-araw-araw na buhay upang may mapagkakitaan pa kami maliban sa aming mga trabaho. At magtatayo ng negosyong magbibigay ng trabaho sa ibang tao upang makatulong din sa iba pang may pamilya at nangangailangan. At syempre hindi ko maabot  ang lahat ng aking pinapangarap kung hindi sa mga magulang ko na laging naka alalay sa akin at nagsakripisyo. At bilang kapalit sa mga ginawa nila sa akin ay unti-unti ko ring bubuoin ang aking mga pangarap sa kanila na maging masayang pamilya yung walang ibang iniisip kundi ang sumaya at mag enjoy dito sa mundong ating ginagalawan. Makapag travel sa iba’t ibang bansa kasama ang buong pamilya. 

Hindi ko man hinangad na magkaroon ng sobra-sobrang kayaman sa buhay, dun lang tayo sa gitna yung walang naaargabyadong ibang tao. Ang nais ko lamang ay makasama ko ang aking pamilya at mahal sa buhay ng tahimik, masaya at sama-sama. Dahil para sa akin sila ang aking napakahalagang kayaman na kahit kailangan man ay hindi ako susukuan sa lahat ng hamon sa buhay. Sila ang magiging lakas ko at inspirasyon upang makamit ko ang aking pangarap sa loob ng sampo o higit pang taon o pang habang buhay man. 

Lahat tayo ay may pangarap, pinapangarap sa buhay. Iba-iba man ang mga ito pero iisa ang layunin at ito ay ang makamit ang mga ito di lang para sa sarili kundi para sa ating mga mahal sa buhay. Subalit ang pangarap na ito ay mananatiling panaginip kung hindi nating sasamahan ng tiyaga at hindi tayo kikilos at maniniwala sa ating sariling kakayahan na kaya nating makamit ang tagumpay at ang pinapangarap natin sa buhay. 


BRIONES AIZEL MARIE L.

Bsed Filipino

 4th yr Block A 


Mga Komento

Kilalang Mga Post