Alaala ng Pag-ibig


"ALAALA NG PAG-IBIG"

Pag-ibig ko sayo sana ay malaman
At kung papalarin ako ay maghintay
Puso ko'y walang ibang nanaisin
Sa pag-ibig na ikaw lang ang nais.

Puso ko'y ikaw lamang ang nilalaman,
At kung pagbibigyan ako ay maghintay;
Tila isang bulaklak na bugkos-bugkos
Sa hardin ng pag-ibig ay humalimuyak.

Naalala ko noong unang pagkikita
May kaba sa dibdib na dumagondong;
Animo'y nakakita ng isang kaluluwa
Di nakapag salita, bibig ay tumikom.

Ano itong aking nararamdaman?
Puso ko'y nabihag mo na nga ba?
Parang upos sa kinatatayuan,
Na sayo tinamaan na ng tuluyan.

Oh pag-ibig! Na di na mapigilan
Singlakas ng lindol nitong aking puso
Mula ng mga mata nati'y nagtanto,
Hindi maipaliwanag ang tibok nito.

Ako'y di manhid, puso'y pumipiglas
Sayong pagtangi, ako'y sumasamo,
Sana sinabi mo, na ako din sinta
Sana sinabi mo, di ako umasa.

Hindi sana ako, nasaktan ng sobra
Sayong mga pangako at pagpapaasa,
Hindi nga't kay hapdi ng iyong nadulot
Sa aking damdaming ikaw lang ang nais.

Gusto kita at yun ang nadarama
Puso ko'y tinamaan sa iyo sinta,
Sayo lang naging gan'to ang bawat pahina
At tatanggapin ko kung saan ka sasaya.

Araw, Buwan at Taon na pala
Sayong pag-ibig hindi pa rin makalaya
Alam kong kay sakit na wala akong napala
Ngunit maghihintay kung kailan ka handa!

Gusto kita sana'y maramdaman mo
At kung papalarin tapat ako sayo,
Handa kang sabayan sa ikot ng mundo
Maging akin ka lang pagdating sa dulo.





Briones Aizel Marie L.
Bsed Filipino
4th year Block A 

Mga Komento

Kilalang Mga Post