PAGSUSURI NG NOBELA
PAGSUSURI SA NOBELANG
“CANAL
DE LA REINA”
NI
LIWAYWAY A. ARCEO
INTRODUKSYON
Ang Canal
de la Reina o The Queen’s Canal sa Ingles ay isang nobela ni Liwayway Arceo
Bautista na inilathala noong 1972 at ito ay inimprinta noong 1985.
Ø PAMAGAT
Ang titulo
ng akdang Canal de la Reina ay ang mismong lugar kung saan nangyari ang mga
eksenang naganap sa nobela. Inilarawan ang lugar na ito bilang isang mabaho,
maburak, maputik, pinaninirahan ng mga iskuwater at si sinyora Tentay ang
tumatayong pinuno ng lugar na ito. Ipinakita rin dito na laganap ang kahirapan
at pagsasamantala. Dahil din sa lugar na ito ay nagkaroon ng relasyon sa bawat
isa ang mga tauhan dahil sa lupang pag-aari ni Caridad. At sa lugar na
tinatawag na Canal de la Reina naganap at umikot ang mga pangyayari sa nobela.
Ang
pamagat ng nobelang ito ay nangangahulugan ng pag-asa sa kabila ng mga
problema. Paglaban sa lahat ng mga unos at pagiging metatag sa lahat ng mga
pagsubok. Inihalintulad ng nobela ang buhay ng isang tao sa isang kanal na
kapag hindi natin inalagaan ay magbabara ng mga basura at malulunoy ito sa
putik. Parang buhay ng tao na kapag puro kasamaan ang itinamin natin sa ating
kapwa ay magdudulot ito ng masamang epekto at kasamaan sa buhay nila.
“Malinaw
na ipinaliwanag ng may akda ang malaking pagkakaiba ng buhay ng mga Pilipino
noon at ngayon. Noon, ang mga tao ay nabubuhay sa lugar na bagamat salat sa
kayamanan ay mayroon namang kapanatagan ang loob. Ngayon, ang mga tao
particular na sa kamaynilaan ay nabubuhay sa isang mabilis at masalimuot na
panahon. Mabilis na kapag hindi ka sumabay sa agos ng buhay ay maiiiwan ka.
Ang
nobelang ito ay salamin ng lipunan at katotohanan. Ipinagmamalaki s atin ng may
akda na matuto tayong magpakumbaba, layunin niyong ipamulat sa atin na ang
buhay ay pakikipag sapalaran. Isang pakikipaglaban sa matataas at mapang-api.
Hindi dapat panghinaan at matuto tayong lumaban kapag tayo ay nasa tama at
natatapakan na an gating karapatan. “
Ø MAY AKDA
LIWAYWAY A.
ARCEO
ü pinanganak sa Maynila noong ika-30
ng Enero 1924, mula sa kilalang pamilya ng mga manunulat.
ü Siya ang maybahay ni Manuel Prinsipe Bautista.
ü kilala bilang isa sa pinakaunang
nagsulat ng soap opera para sa radio. Ang kanyang dramang “Ilaw ng Tahanan” ay
inere sa DZRH, DZMP at DZPI mula Marso 1949 hanggang Hulyo 1958.
ü Ilan pa sa kanyang mga naisulat na
script ay ang Dely Magpayo, Ang Tangi kong Pag-ibig at Kasaysayan ng mga Liham
ni Tiya Dely.
ü Siya rin ang bumuo ng Lovingly
Yours, Helen na inere noong 1978.
ü Bukod dito, sumulat din siya ng
ilang script sa telebisyon ang Sangandaan at Damdamin na parehong tinangkilik
ng publiko.
ü Binago ni Arceo ang topograpiya ng
panitikang Tagalog at ngayon ay tinatawag na panitikang popular sa paglalathala
ng mga akdang nagtatampok ng kahalagahan (values), lunggati (vision) at
kaisipang Filipino.
ü Ginamit niya ang lunsaran ang
pamilya bilang talinghaga ng Filipinas; at sa pamamagitan ng wika ay itinaas sa
karapat-dapat na pedestal ang mga kathang Tagalog sa kabila ng pamamayani ng
Ingles bilang opisyal na wika ng edukasyon at gobyerno.
ü Namatay siya noong 1999 sa edad na
75.
ü Sumikat ang kanyang mga nobela na
pinamagatang niyang Canal de la Reina
noong 1885.
Ø MGA
KARANGALAN
§ Carlos Palanca Memorial Award para
sa maikling kwento sa Filipino (1962)
§ Gawad CCO for Literature Award
(1993)
§ Honoris Causa Doctorate in Humane
Letters mula sa Unibersidad ng Pilipinas (1999)
§ Catholic Authors Award (1990)
§ Gawad Balagtas Life Achievement for
Fiction (1998)
§ National Centennial Commission Award
para sa kanyang mga kontribusyon sa larangan ng Panitikang Pilipino.
MGA TAUHAN
v Caridad
-
Siya
ay isang ina na lumaban para sa kanyang mga karapatan. Hindi siya natatakot na
lumaban sa kabila ng kapangyarihan at impluwensya ni Nyora Tentay. Siya ay
isang larawan ng mga Pilipino na hindi magpapaapi at may prinsipyo.
v Junior
-
Bunsong
anak ni Caridad, may prinsipyo at hindi mawawalan ng pag-asa.
v Nyora Tentay
-
Ayon
sa paglalarawan sa nobela siya ay tila isang buwitre na may kakayahang gawing
katotohan ang kasinungalingan, makatuwiran ang baluktot, kabutihan ang
panggagamit at salapi ng buhay. Sa huli ng nobela, siya ay nabaliw.
v Victor
-
Ang
anak ni Nyora Tentay at asawa ni Gracia.
v Ingga
-
Isa
sa mga sinamantala at inapi ni Nyora Tentay. Natakot na lumaban at hinayaan
lang na api-apihin lang ni Nyora Tentay.
v Salvador
-
Asawa
ni Caridad
v Leni
-
Panganay
na anak na babae nina Salvadoe at Caridad.
v Gracia
-
Dating
asawa ni Victor, naghiwalay sila dahil ayaw sa kanya ni Nyora Tentay.
v Gerry
-
Anak
ni Victor at Gracia
BUOD
Bawat isa sa atin ay may kaniya-kaniyang
pananagutan at responsibilidad sa mga bagay na ipinagkaloob at ipinaubaya sa
atin. Ang pananakop ng mga iba’t ibang banyagang bansa sa Pilipinas at kung
paano ito nasupil ng ating mga bayani ay naitala na sa bawat sulok ng ating
kasaysayan subalit hanggang sa kasalukuya’y hindi pa rin ito natutuldukan. Sa
paksang ito umiikot ang kwento ng nobelang Canal de la Reina ng nobelistang si
Liwayway A. Arceo. Ginagalugad nito ang iba’t ibang paraan ng mga karaniwang
tao sa Maynila upang mabuhay at makatawid mula sa kahirapan. Inihambing ang
ating kasaysayan sa nagdarahop na mamamayan na nakatira sa gilid ng ilog ng
Canal de la Reina.
Dahil sa mahabang panahon na pagpapabaya,
naging mahirap na para kay Caridad na mabawi ang lupang pinagsibulan ng kanyang
kabataan mula sa isang tila buwitre na si Nyora Tentay na may kakayahang gawing
katotohanan ang kasinungalingan, makatwiran ang baluktot, kabutihan ang
panggagamit at salapi ang buhay.
Sa pagbabalik ni Caridad, isang nakapanlulumong
tanawin ang tumambad sa kanya. Ang kanyang mga dalisay na ala-ala noong
kabataan ay siya na ngayong nakalubog sa putik at nababalot ng masangsang na
amoy. Ang karumihan at kasangsangan nito ay bumabalot hanggang sa ating
lipunan- lipunan na minsang naging hitik sa bulaklak at malayang inilantad ng
mga mamamayan nito ang kanilang karapatan, mahirap man o mayaman. Ani nga ni
Caridad nang may larawang muling nabuhay sa kanyang gunita, “Ang ganda ng
kawayan d’yan, parang preskung-presko at malayang-malaya ang hangin ngunit
pihong labandera na ang nakatira ngayon d’yan.” Ganito na nga ba kalaki ang
pagbabago ng ating bansa? Unti-unti na ngang nangangamatay ang mga magagandang
tanawin dahil sa sibilisasyon, globalisasyon at kawalang disiplina ng bawat
mamamayan nito at di rin magtatagal ang kasangsangan ay babalutin pati ang
ating kaluluwa at pag-iisip. Unti-unti nating hinhukay ang sariling libingan ng
ating bayan kung tulad ni Ingga ay patuloy tayong magpapaalipin at magpapatakot
‘di lamang sa mga dayuhan kundi pati na rin sa mapagmalabis na kapwa nating mga
Pilipino na mayroong kapangyarihang paikutin ang buhay ng mga nakabababa.
Napalitaw ni Arceo ang kulay at dilim ng buhay
sa likod ng mga payak na pangyayari sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga
tauhan sa nobela. Ang mapag-arugang damdamin ng isang ina ay nagbigay diin sa
karakter ni Caridad at Gracia sa magkaibang paraan. Ang una ay ang pagiging
maunawaing maybahay ni Salvador at maaalalahaning ina nina Leni at Junior. Ang
pangalawa nama’y ay ang pagiging matatag sa kabila ng kawalan ng katuwang sa
pag-aaruga ng kanyang nag-iisang anak na si Geronimo. Kapwa naging biktima ng
kasakiman ni Nyora Tentay ngunit parehong nakipagtunggali at hindi yumukod sa
kalakaran ng lipunan. Si Caridad ay buong –tapang na nanindigan na bawiin ang
lupang kinamkam ni Nyora Tentay subalit nagpakita pa rin ng kabutihan sa
matanda nang ito ay nasiraan ng ulo. Habang si Gracia nama’y ibinalik ang
naranasang kapaitan sa mag- inang sina Nyora Tentay at Victor ngunit ang
pag-ibig pa din para sa huli ang namayani sa kanyang puso. Sila ang dalawang
mukha ng mga Pilipino, hindi tiyak ang paroroonan ngunit tulad ng ilog ng Canal
de la Reina sila’y patuloy na nakikipagsapalaran at nakikibaka sa kabila ng mga
basurang nagpapasikip at nagpapahirap sa kanilang pag-agos sa buhay.
Ginamit ni Arceo ang tubig at pagbaha bilang
siyang simbolo ng pagdalisay ng kaluluwa at ng natutuyong pamayanan nang sa
gayo’y maaninag na ang panibagong simula at pag-asa. Kung tayong lahat ay
magiging gaya ni Junior na napupuno ng pag-asa at pag-ibig para sa bayan, tiyak
na maibabalik natin ang dating ganda at halimuyak ng ating “Canal de la Reina”.
Sama-sama nating pagtibayin ang pundasyon at haligi ng bantayog ng pag-asa ng
hinaharap, gaya nga ng sabi ni Jun: “Itatayo natin dito ang isang simbolo ng
pagtindig ng isang bagong pamayanan na malaya. Malaya sa isang manunupil, tulad
ni Nyora Tentay na larawan ng panunupil ng isang nasa kapangyarihan. Malaya ang
isipan sa paghahayag ng tunay na damdamin.” Kailangang mabigyan natin ng
kahulugan ang lupang ito, hindi lang lupang sinilangan natin o ng ating mg
ninuno, kundi isang simbolo ng pagkagising at pagbabago tungo sa kaunlaran.
BISANG
PAMPANITIKAN
A. BISANG PANGKAISIPIAN
-
Kapit
sa patalim, ang katagang naglalarawan sa mga taong nakatira sa Canal De La
Reina. Dahil na rin sa kahirapan ng buhay kung kaya naman marami ngayon ang
handang gawin ang lahat mabuhay lamang sa pang-araw-araw.
-
Kapag
gumawa ka ng mabuti, asahan mong mabuti rin ang igaganti sa iyo. Kapag gumawa
ka ng masama, masama rin ang babalik sa iyo.
-
Ang
akda ay sumasalamin sa tunay na kalagayan ng lipunan, malayo sa inaakala nating
malafairytale na mundo. Natutunan ko ditto na maraming tao ang mapagsamantala
sa kalagayan ng mga mahihirap. Ang mayayaman ay lalong yumayaman, samantalang
ang mahihirap ay nanatiling mahirap. Kalagayang magpasahanggang ngayon ay
namamayani sa ating lipunan.
-
Tunay
ngang marami pang bagay na hindi natin alam sa mundong ito. Ngunit isa lamang
ang di natin maitatangi. Ang bulok na Sistema at maraming nagdudurusa sa mga
taong walang malasakit sa kapwa. Ipinaalala sa atin ng nobelang ito na matuto
tayong manindigan sa lahat ng oras.
B. BISANG PANDAMDAMIN
-
Nakakadala
ang mga eksena sa nobela. Mararamdaman moa ng pinagdadaanan ng mga tauhan sa
nobela sapagkat ito ay talagang tunay na nangyayari sa kasalukuyan. Sa akdang
ito pinukaw nito ang aking awa gayun na rin ang galit sa mga mapang-abuso at
tusong tao. Isang makaantig damdaming nobela na sumasalamin sa kabulukan at
kasamaan na namamayani sa mundo.
C. BISANG PANGKAASALAN
-
Ito
ay kapupulutan ng maraming kabutihang asal na magagamit natin sa pang-araw-araw
na pamumuhay. Ipinaalala nito na maging mabuti sa kapwa sa lahat ng oras.
Pinamulat ng may akda na mas mahalaga ang maging mabuti, matapat, at matulungin
na hindi mapapantayan ng anumang salapi.
-
Ang
mundo man ay pinaiikot ng salapi ngunit dapat hindi tayo magpatangay sa labanan
ang mapangaping Sistema ng ating lipunan. Lagi nating isaisip at isapuso na
maging pantay ang pagtrato natin sa ating kapwa tao at huwag abusuhin ang
kalagayan nila.
D. BISANG PANLIPUNAN
-
Mabisang
pinakita ng nobela ang mga negatibong kalakarang nangyayari sa lipunan. Tunay
ngang ang buhay ay hindi madali lalo na’t kung ang ating kapwa ay hindi mabuti
sa atin. Ang nobelang ito ay isang “eye opener” para sa lahat ng tao sa lipunan
na maging mabuti gaano man kaginhawa ang buhay mo. Tandaan natin na ang mundo
ay bilog at hindi sa lahat ng oras ay nasa ibabaw ka. Mabuting makipagkapwa-tao
nang walang halong kasamaan at isaalang-alang na ang buhay sa mundo ay maikli
para maging negatibo sa buhay ng ibang tao.
TEMA
-
Ang
Canal De La Reina ay pumapaksa sa sosyo-ekonomikong larangan ng buhay kung saan
tinukoy nito ang pagkakaiba sa kakayahan ng mga tao na nagbubunsod sa estado ng
buhay ng mga mamamayan gayundin sa kabulukan ng Sistema at pagpapalakad ng
pamahalaan. Ginagalugad din nito ang iba’t ibang paraan ng mga karaniwang tao
sa Maynila upang mabuhay at makatawid mula sa kahirapan.
LAYUNIN NG
MAY AKDA
-
Ang
layunin ng may akda ay ang ipakita sa atin ang mga nararanasang isyu ng marami
sa ating mga Pilipino. Ang pagpapahalaga ng sariling atin. Na tayong mga Pilipino ay hindi titigil sa
ating mga ipinaglalaban hanggat alam nating tama ito.
-
Imulat
ang mga mamamayan sa tunay na kalagayan ng mga maralita dulot ng kahirapan.
-
Ipahatid
sa mga mamamayan ang posibilidad ng pagbabago sa kabila ng pagkakasala.
TEORYANG
PAMPANITIKAN
TEORYANG REALISMO
-
Nagpapakita
ng katotohanan o ang realidad ng buhay na ginagalawan ng mga tao sa lipunan. Ang
mga sitwasyong kinasangkutan ng mga tauhan sa nobelang ito ay hango sa tunay na
karanasan na umiiral sa kasalukuyan kagaya ng kahirapan, diskriminasyon at
panlalamang sa kapwa.
SIMBOLISMO
-
Ginamit
ng may akda ang Tubig at Pagbaha bilang tagadalisay ng kaluluwa at ng
natutuyong pamayanan.
-
Lupa
bilang perpektong halimbawa ng bayang nasakop ng mga banyagang manunupil at mga
mapanghangad gaya ni Nyora Tentay.
-
Ang
Canal de la Reina bilang simbolo ng bagong simula at pag-asa para sa mga tauhan
lalo’t higit sa mga nagnanais ng pagbabago.
PANSARILING
REAKSYON
-
Ang
pagiging sakim ay walang maidudulot na maganda. Tumulong sa mga nangangailangan
sa halip na gipitin ito. Huwag gawin sa iba kung ayaw mong gawin sayo.
-
Ito
ay nobelang panlipunan sapagkat tinatalakay nito ang realidad ng buhay ng mga
Pilipino. Natural nasa ilang Pilipino ang lumaban at bumangon sa lahat ng
problema. May mga pagkakataong kakailanganin nating gumawa ng desisyon ngunit
sa pagkakataong iyon ay dapat na isaalanng-alang natin ang ating mga kapwa-tao.
-
Binibistahan
sin ni Arceo na bagamat ang mundo ay pinapaikot ng salapi dapat tayong hindi
magpatangay rito at matuto dapat tayong rumespeto at huwag maging
mapagsamantala sa kalagayan ng mga tao sa ating paligid.

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento